My friends and I love trading ghost stories ever since I can remember. We tell and re-tell until we are scared out of our wits. This blog is a collection of personal experiences and scary stories from my friends.
Friday, October 30, 2009
The Scary Story Behind the Feature
Thursday, October 29, 2009
Thursday, October 15, 2009
Ang Multo ng Fire Exit
Dahil sa mga bagyong nagdaan, kinailangan ko ring lumikas mula sa bayan ng Obando. Masyado nang mataas ang baha roon at imposible nang magbyahe araw-araw papuntang opisina. Tumuloy ako sa unit ng aking nakababatang kapatid sa Mandaluyong City. Hindi ko akalain na dahil sa lugar na ito ay magkakaroon ako ng bagong istorya.
Sa ilang buwan na paninirahan ng aking kapatid dito ay normal naman ang lahat. Normal hanggang dumating ang aking…
Unang gabi. Graveyard shift ang aking kapatid kaya ako lamang mag-isa sa bahay noon. Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, ay nakatulog na ako. Napanaginipan ko na nagkwe-kwentuhan daw kami ng aking mga kaibigan tungkol sa “The Grudge” movie. Hindi ko na matandaang mabuti pero sa aking panaginip ay tinanong ko daw sila nang “Anong date?” at may sumagot na “April 29!”.
Pagkarinig na pagkarinig ko ng petsa na ‘yun ay bigla akong sumigaw - sa panaginip at sa bigla kong paggising. Nagising ako nang tuluyan at parang may babaeng sali’t-salit na bumubulong sa aking dalawang tenga. Tumayo ako at binuksan ko na lang ang pinto ng kwarto at ang mga ilaw. Sa awa naman ng diyos ay nakatulog akong muli matapos magdasal at maglagay ng rosary sa aking bulsa. Hindi ko muna ito ikinwento sa kapatid ko dahil baka matakot din siya.
Sumunod na araw, dumating ang mom ko para magdala ng iba pang gamit. Nasa opisina ako nun at natutulog naman ang aking kapatid. Habang naglilinis ang nanay ko sa kusina, naramdaman niya na parang may dumaan sa likuran niya. Wala naman daw siya nakita paglingon niya.
Nalaman ko lang ito nang magkwentuhan kami noong sumunod na araw. Ikinwento ko rin sa kanila ang nangyari sa’kin nung unang gabi.
Biglang umamin ang aking kapatid. “Sige sasabihin ko na.” Sabi niya. “Dati daw kasi, may nahulog at namatay dyan sa fire exit (habang itunuturo ang bintana). Lagi daw nagpapakita ‘yun sa elevator o kaya sa lobby.”
Kinilabutan na lang kami sa aming narinig.
Habang isinusulat ko ‘to ay mayrong namuong katanungan sa aking isipan: Naganap kaya ang kanyang pagkahulog sa fire exit noong April 29, ang petsa sa aking panaginip?